Ang Soundtrack ng buhay ko.
Lingid sa kaalaman ng mga taong malalapit sa akin, mahilig po ako makinig ng mga kanta, at marunong rin po ako kumanta kaso simula ng nag-college at nawala sa choir, nagfly-away na ang singing career ko. Mapa-English, Tagalog, wag lang K-Pop, para awa niyo na. Pero, ewan ko, mas marami akong gustong kanta sa OPM, siguro kasi naiinitndihan ko dahil I’m a filipino pero kasi may kurot at damdamin yung kanta. What I liked about Foreign songs is that, very classic ung iba sa kanila na kahit sa pagtanda mo, maaalala mo pa rin.
Well, the reason why I made this note is to share with you the top 20 favorite lines from my favorite songs that became a part of my life na, especially this past few months. Hep hep hep, stop na muna at kung saan pa mapunta. Seriously, these songs that I really love, touched and made my life meaningful. Sa totoo lang, may mga linya kasi sa mga kantang to na totoo at something na makakarelate ka talaga. I”m hoping for more songs to hear and to sing balang araw.
20.) Do I need a reason by D’sound
Do I need a reason to tell you why
I’m singing you this song
Do I need a reason to show you that
I know where I belong
Whenever I am weary I lean on
this feeling that I have
I am so much stronger now
Thankful, yes I am
19.) Kunin mo na ang lahat sa akin - Angeline Quinto
Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin sya
Sakin maagaw mo sya
Pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba
Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki’y inagaw mo sya
18.) Bukas na lang kita Mamahalin by Lani Misalucha
Kay hirap palang umibig sa di tamang panahon
Kung bakit ngayon ko lang natagpuan ang isang katulad mo
Sana noon pakita nakilala
Sana noon pa lang na ang puso ay malaya pang magmahal
17.) You belong with me by Taylor Swift
But she wears short skirts, I wear T-shirts
She’s Cheer Captain and I’m on the bleachers
Dreaming about the day when you wake up and find
That what you’re looking for has been here the whole time
16.) What about Love by Lemar
What about love?
What about feeling?
What about all the things that make life worth living?
What about faith?
What about trust?
And tell me baby…what about us?
15.) Pangarap ko ang Ibigin ka - Regine Velasquez
O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
14.) Wala na bang pag-ibig - Jaya
Pag wala ka na sa aking tabi
Tunay na ‘di magbabalik
Ang dating pagmamahalan, pagsusuyuan
At tuluyan bang hahayaan
13.) Take a bow - Rihanna
But you put on quite a show
Really had me going
But now it’s time to go
Curtain’s finally closing
That was quite a show
Very entertaining
But it’s over now
Go on and take a bow
12.) Kaba - Tootsie Guevarra
Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa koy ikaw ang aking panaginip.
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba
11.) Kahit na - Kiss Jane
Pangarap ka sa bawat sandali
Araw - gabi
‘Di mapakali, anong dapat kong gawin upang makapiling
Ngunit ngayon alam kong may mahal ka nang iba
At kahit na ano namang mangyari
Ikaw pa rin naman ang nagmamay-ari
Ang puso kong ito’y laan lamang sa’yo
‘Di baleng maghintay at mangulila
Kahit alam namang walang pag-asa
Ang puso kong ito’y ‘di pamimigay
10.) Huwag mo akong Iwan mag-isa by Angeline Quinto
Wag na wag mo akong
Iwanan mag-isa
Wag na wag mo akong
Sanayin na wala ka
Wag na wag mo akong
Hayaang malungkot
At sisihin pang lumimot
At tuluyan nang humanap ng iba
Wag na wag mo akong iwanan, mag-isa.
9.) Kung ako na lang sana - Bituin Escalante
Kung ako na lang sana ang iyong
minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo,
8.) Minsan lang kita Iibigin - Juris
Mahal pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na di maglalaho
Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman….
7.) Friend of Mine - Odette Quesada
I’ve known you for so long
You are a friend of mine,
But is this all we’d ever be?
I’ve loved you ever since
You are a friend of mine,
And babe is this all we ever could be?
6.) Kahit Sandali - Jennylyn Mercado
Di ako aasa at maghihintay
Sa pag-ibig ng tulad mo
Tama na na minsay’y makapiling ka
At madama ang init nang pagmamahal mo
Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako’y di mo gusto
Nais lang na minsa’y makapiling ka
At minsa’y madama na akin
5.) Kahit na - Zsa Zsa Padilla
Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya’t ligaya habang kapiling mo’y isiping di magwawakas
Di kita pipigilan kailanman magbago ng isipan
Lalo na’t ikaw pa lang ang minahal
Sa simula’t katapusan, ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa king buhay
4.) I Love You Goodbye - Juris
Leaving someone when you love someone
Is the hardest thing to do
When you love someone as much as i love you
Oh i don’t wanna leave you
Baby it tears me up inside
But i’ll never be the one you’re needing
I love you, goodbye
3.) The Best thing I never had - Beyonce
I wanted you bad
I’m so through with it
Cuz honestly you turned out to be the best thing I never had
You turned out to be the best thing I never had
And I’m gon’ always be the best thing you never had
I bet it sucks to be you right now
2.) Porque - Maldita
Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko
1.) If Im not in love with you - Janno Gibbs and Jennylyn Mercado
f I’m not in love with you
What is this I’m going through
Tonight
And if my heart is lying then
What should I believe in
Why do I go crazy
Every time I think about you, baby
Why else do I want you like I do
If I’m not in love with you
That’s all. Thank you for viewing this simple but meaningful manifestation of my feelings right now. God bless us all.
eto yun eh!! :|
(via akosimawilyn)
ULAN :”)
Dalawang oras ka nang nakatitig sa blankong papel. Hindi pala madaling simulan ang isang artikulong tungkol sa wakas.
Saan ka nga ba maaaring magsimula?
Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula? Hindi na. Gaano man kahiwaga, ang simula ay nalilimot, nawawalan ng saysay dahil sa napipintong katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat sa nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo upang pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang tanging magagawa ng simula ay ipaalala ang simula ng wakas.
Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede. Ang pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano, saan at kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga bagay na habang pilit iniintindi ay lalong nagiging mahirap maunawaan. O baka naman nasa harap mo na ang sagot. Ayaw mo lang itong paniwalaan kaya’t pilit mong isinasantabi ang tanong na bumabagabag sa iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili. Mahirap tanggapin na ang mga katotohanang nagpasaya sa mga araw mo ay panggagago.
Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan? Sa ulang hindi mo naman hiniling at dumating sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang nagpakita sa iyong maaari kang tumingala sa langit at tumayo sa gitna ng kalsada, habang nilulunod ng mga patak ng tubig ang iyong kasuotan at mga gamit.
Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.
Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa buhay mo ay darating at aalis kung kailan nila gusto. Wala kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan. Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin kung kailan, pero mararamdaman mo ang paglumanay ng hangin at ang paghawi ng mga ulap.
Ang maiiwan ay ikaw… at isang puwang.
Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan, kundi sa pamamaalam. Ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang hindi umaalis, subalit maaari rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Paunti-unti. Dahan-dahan. Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya, habang sa iyo, dumarating sa bawat araw ang kapiraso ng wakas.
Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang matapos na lang ang lahat sa simula. Nang sa gayon, walang pinagkatagu-tagong text message na kailangang burahin, walang mga sandaling dapat ibaon sa limot at walang puwang na palalalimin ng pangungulila.
Nakapapagod maghintay kung kailan muling mapupunan ang puwang na tanging ikaw ang nakadarama. Mas madali itong pag-ipunan ng galit at pagkamuhi.
Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo lang na dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.
Maghihintay. Aasa.
Dahil kahit maging balewala ka na sa isang tao, mananatili siyang importante sa iyo

Yuum :)) M&m’s cookies :PP
sooo cute. I want this and an aqua blue version :))
(via pinklovesfashion)





